+++ Mahalaga ang pakikipagrelasyon sa mga tao. Binubuo ang ating lipunan nang pamilya. At nabuo ang pamilya dahil sa mga relasyon. Ang relasyon na tinutukoy ko ay ang relasyon sa pagitan nang dalawang tao na nais magsama sa hirap at ginhawa.

+++Ano nga ba ang pinakaimportanteng elemento para umusbong ang isang relasyon? Pag-ibig ba? Sa tingin ko ay hindi. Sa aking palagay, ito ay ang “pag-aasume”.

+++Paano nga naman niligawan nang mga tatay natin ang ating mga nanay kung hindi nag-assume si tatay na may gusto sa kanya si nanay. Matahas kong sasabin na kahit kailan ay hindi magkakatuluyan ang dalawang taong manhid(maliban na lamang kung pinagkasundo sila nang kanilang mga pamilya). Ang panliligaw ay parang pagsali sa beauty contest. Ang pinaka-kalokohang sinasagot nang mga beauty queen pagkatapos silang manalo ay ang katagang, “hindi ko inaasahan na mananalo ako”. Talaga? Kung ganoon naman pala ay baket ka pa sumali? Di ba para manalo? Para magka-exposure para madiscover at maging artista? Di ba mas malaki ang exposure kung mananalo ka? Kaya hindi totoo na hindi mo inasahan na mananalo ka. Tama ba ko mga binibini?

+++ Hindi naman masama ang pag-assume. Ang masama ay ang manatiling manhid. Dahil wala naman talagang taong manhid. Marunong lang ang mga taong ito magpanggap na wala silang nararamdam kasi ayaw talaga nila sa tao o hindi pa lang talaga sila handa pumasok sa relasyon.

+++Bago tayo magpatuloy ay marapat na tanggapin muna natin ang katotohanang, “nag-aasume tayo sa tao kasi gusto rin natin siya” (Kung hindi ka sang-ayon, malamang ay mali ka nang post na binasa. Gamitin ang oras sa mas makabuluhang bagay). Naman! Para lang yan yung sa beauty contest. Bakit pa tayo mag-aasume na may gusto siya sa’ten kung hindi naman pala natin siya gusto. Pero hindi dahil sa libre lang ang mag-assume at hindi naman pala masama ay aaraw-arawin mo na ano? Hinay-hinay lang din. Kaya ko nga sinulat ang kalokohang post na ito, kahit na alam ko na maari akong mahusgahan base sa nilalaman nito, ay para magabayan tayo sa tamang pag-aasume. Gumawa ako nang aking DIY(Do It Yourself) rules sa pag-aasume.

RULES SA PAG-AASUME:

1. Wag mag-aasume sa taong overfriendly. May dalawang klase nang tao sa mundo, yung mga extrovert at introvert. Yung mga extrovert na tao ay yung mga taong mahilig makipagsocialize sa tao. Sila yung mga taong laging laman nang party at galaan. Sila yung ultimo nasa grupo nang estranghero ay kaya paring makipagpalitan nang kuru-kuro sa diskusyon at hindi umuurong ang dila. Yung introvert siyempre ay yung kabaliktaran. Para tunog scientific ay babaguhin ko yung rule ko at gagawin kong, “wag mag-aasume sa mga extrovert na tao”. Hindi ka dapat mag-assume sa kanila sapagkat sa malamang ay friendly lang talaga siya sayo. Ang problema sa mga taong ito ay hindi nila alam na yung mga friendly gesture nila ay madalas naiinterpret as act of flirting. So just give them the favor, at wag ka na lang mag-assume para hindi kayo pareho masaktan (pero madalas, ikaw lang talaga yung masasaktan).

2. Look for Isolation. Ang ibig sabihin lamang nito ay siguraduhin mo na yung mga tinuturing mong paglalandi niya sayo, ay sayo’t natatanging sayo niya lamang ginagawa. Meron din kasing tinatawag na selective friendly(I only made the term). Sila yung mga taong friendly pero sa mga piling tao lang. Pwedeng friendly lang sila sa mga lalaki o sa mga babae. (Sila yung tinatawag nang ating lipunan na makakating nilalang. Iwasan sila.) Tignan mo muna kung ikaw lang talaga yung ginaganyan niya, kung ikaw lang, party party na yan.

TANDAAN KAPAG NAG-AASUME:

1. Wag Masyadong Malandi. Hindi porket malakas ang sixth sense mo at feel na feel mo na may gusto talaga siya sayo ay lalandiin mo na din siya. Paalala lamang: Walang absolute truth sa mundo. Maaring lahat nang sinasabi ko ngayon ay walang kabuluhan. Hindi ko sinulat to para maging malandi ka. Ang gusto ko ay ang kabaliktaran. Matutong kontrolin ang emosyon.

2. Siguraduhing handa ka na sa relasyon bago ka lumandi. Hindi ka na pwedeng umatras pa kapag nilandi mo na rin siya. Malamang ay mag-aasume na rin siya. Maganda ba yun? Siyempre naman. Ang taong eh, ilang taon ka na ba at alam ba nang magulang mo yan? Kung hindi ka pa sigurado eh mabuti pang magpakamanhid ka na lang.

END NOTE: Maraming mga torpe sa mundo dahil ang mga taong ito ay hindi marunong mag-assume. Natatakot silang mag-approach at mag-assume sa taong gusto nila. Sapagkat wala silang tiwala sa sarili nila na magugustuhan din sila ng taong gusto nila. Ang post na ito ay sinulat nang isang torpe.

[DISCLAIMER: I’m not a love guru or a pyschologies. I cannot give proof or evidence to you. This is basically just a work of literature]

Advertisements