Masarap isipin na ipinanganak talaga akong manunulat. Kalokohan. Hindi pa ako marunong magbasa at magsulat nu’n, at tanging pag-iyak lamang ang alam kong gawin. Hindi ko rin ito ginagawa dahil may gusto akong palaganaping relihiyon o palayaing bansa. Nagawa na ng iba yun at wala akong balak mabaril sa Luneta. Ang totoo, nagsusulat ako dahil ayoko makalimot.

Rizal meme

Naimbento nating mga tao ang kamera dahil gusto nating hulihin ang mga sandali. Pero nung mga panahong hindi pa uso ang “selfie,” pagsusulat ang paraan natin para idokumento ang mga kaganapan sa ating buhay.

Naniniwala ako na may mga alaala at ideya na hindi dapat limutin. Hindi man natin sila tuluyang mababalikan, ay nandiyan naman sila upang ipaalala sa atin kung gaano kakulay ang buhay.

There are memories that aren’t worth forgetting.

Bata pa man ako ay mahilig na kong magbasa. Tuwing may libreng textbook na pinapahiram ang aking publikong paaralan sa amin ay atat na atat na kong umuwi at basahin ito (ayokong magbasa sa loob ng aming paaralan at di ko rin alam kung may library samin nuon, o baka di ko lang alam na may lugar na tinatawag na library nuon). Gustung-gusto ko rin kapag may pumupunta sa amin na nag-aalok ng mga children books. Pero hanggang duon lang. Puro textbooks lang ang nababasa ko at pagkalipas nang panahon ay nagsawa rin ako. Para kasing robot ang mga nagsulat nu’n at kadalasan ay may mga napakahirap pa na mga pagsusulit pagkatapos nang bawat kwento o leksyon. Pagkatapos nun ay nakalimutan ko na kung ano talaga ang gusto ko.

Kumuha ako ng kurso tungkol sa kompyuter at nagustuhan ko ito. Sa katunayan ay masaya akong ito ang kinuha ko nuon kahit wala naman talaga akong paki kung anong kurso yung kukunin ko. Natuto akong magprogram at ngayon ay masasabi kong magaling ako (Haha. Wala kayong paki, kung gusto niyo magblog din kayo). Dahil dun ay naging mayabang ako, este nagkakumpyansa pala sa sarili. At dahil uso na nuon ang mga ebooks ay muli nakapagbasa ako. Marami akong binasa na ebooks para matuto magprogram, di na ko nagbabasa ng textbook at sa halip mas gusto ko yung mga creative nonfinction (yung librong di lang puro boring facts yung sinasabi at alam mong tao yung sumulat). Nagbabasa na din ako ng artikulo sa Internet. Muli ay tumibok ang puso ko sa pagbabasa.

Pagkatapos kong magbasa ng mga technical books tungkol sa programming ay sinubukan ko namang magbasa ng mga novel ebooks. Ang kauna-unahan kong ebook na nabasa at natapos ay yung kay Seth Grahamme-Smith, Abraham Lincoln: Vampire Hunter. Hanggang sa masundan na ng iba’t ibang uri nang libro hanggang sa umabot na ako sa puntong bumibili ako nang paperback at hardcover na libro kahit pa may ebook version naman sa Internet.

facehoqe

Image from the database of eliteessayservice.com

Programmer and bookworm na ako nuon pero di pa isang writer. Pero may nakilala akong taong mahilig magbasa nang mga novel. Sa kanya ko nahiram yung kay Rick Riordan, Percy Jackson & the Olympians series. Natuwa ako at may napagkukuwentuhan ako nang mga nababasa ko. Magkawavelength kame sa mundo nang fiction and books. Ang natatandaan ko napagusapan namin yung tungkol sa paggawa nang blog. Nakalimutan ko na yung eksaktong pinag-usapan namin, pero dahil dun nagkaideya ako na gumawa nang blog. Nakakatawa ngang isipin ngayon nung sinabi niya na nainspire siya magblog nung nabasa niya yung akin, dahil sa totoo lang kung di din dahil sa kanya ay wala rin itong blog na ‘to. (Yan pre, inallude na kita sa blog ko, kaya magblog ka na din.)

Pero para saan pa? Magaling Marunong na ko magprogram eh.. bakit kailangan ko pa magsulat? Alam kong may ibubuga ako sa programming pero diskumpiyado ako sa pagsusulat. Pero magsusulat pa din ako dahil gusto ko, dahil masaya ako.

PS: I am proud being Writer and a Programmer. Kung tatanung niyo ako kung ano mas mahal ko, pareho lang. Naniniwala ako na iisang propesyon lang sila, magkaiba lang nang medium na gamit at layunin sa pagsulat. (On literature arts, I write story; on programming I write codes.)

Shout out nga pala kay Owen at Roxelle na nag-aabang nang post ko! Haha, feeling ko talaga kayo lang nagbabasa neto, pero maraming salamat, para sa inyo tong post na to.

Advertisements