Sa blog post na ito ay sasagutin ko ang mga sumusunod na katanungan:
1. Alam niyo ba kung sino ang unang nagdiwang ng kanyang birthday?
2. Alam niyo ba kung bakit ipinagdiriwang natin ang ating mga birthday?
3. Alam niyo ba kung bakit tayo naghahanda ng cake na may nakasinding kandila kapag birthday?
4. Alam niyo ba kung sinong may birthday ngayon? (Hint: ako yun.)

Wala pang pakialam ang mga tao nuong unang panahon kung ngayon man ang araw na pinanganak ka (parang ngayon din naman, pero opinyon ko lang yun.) Hindi pa rin kasi uso nuon ang birthday cake, at walang pa rin namang Facebook. Ang unang naitalang kwento patungkol sa pagdiriwang ng kaarawan ay mula sa unang tipan ng bibliya. Ito ay ang pagdiriwang ng kaarawan ng ‘Pharaoh ng Egypt’. Pero kung sino talaga ang unang tao na nakaisip na gawin ang trip na ito ay hindi pa rin mahuli ng kinauukulan (Who’s give birth to birthday? No one knows).

Walang birthday ang mga unang tao sa kadahilanang wala pa silang paraan nuon para itala ang mga araw. Dahil naimbento lang ang kalendaryo nuong may panahon na ang mga tao na mag star-gazing at mapansin na hindi pare-pareho ang itsura ng buwan sa gabi.

Nuong panahon na laganap na ang Kristiyanismo at bago pa lang ito ay kinukundena ang pagdiriwang ng birthday. Masyado raw kasing ‘self-centered’ ang pagdiriwang ng sariling kaarawan, at kinukunsidera ito nuon ng Simbahan na isang paniniwalang pagano. Ang mga pagano kasi nuon ay nagdiriwang(?) ng kanilang kaarawan dahil naniniwala sila na pinakadelikado ang tao sa mga espiritu sa araw ng kanyang kaarawan. Bilang pag-iingat ay binabantayan ng mga kamag-anak ang may kaarawan, at nagbibigay ng kanya-kanyang dasal o hiling. Ang birthday cake naman ay sinasabing mula sa tradisyon ng pag-aalay kay Artemis, na diyosa ng pangangaso at buwan ng mga pagano, kaya naman hugis bilog ito; ang nakasinding mga kandila ay para matularan ang liwanag na taglay ng buwan. May paniniwala pa nga na ang usok na nanggagaling sa birthday candle ay maghahatid sa mga diyos sa kalangitan ng ating kahilingan.

Ngayong nasagot ko na ang karamihan sa mga tanong ay sasagutin ko na ang pinakamahalaga sa lahat: sino ang may birthday ngayon (11 December) ? Ngayon ay kaarawan ni Rey Mysterio na isang wrestler, at syempre, kaarawan ko rin.

Hanggang ngayon ay naiilang pa rin akong ipaalam sa ibang tao kung kelan talaga ang birthday ko. Pakiramdam ko kasi ay para akong nanghihingi ng atensyon sa mga tao. Introvert kasi ako. Hindi ko kasi alam kung pano dapat mag-react pag may bumati sa’yo ng ‘happy birthday’. At bilang tunay na introvert, lalong hindi ako mahilig sa party — pano pa kaya kung birthday party. Lalong-lalo na ayoko ng surpirse birthday party. “For God’s sake. That is like throwing an introvert person to his biggest fears: surprises, a lot of people, and party.”

Pero sa totoo lang, sa tagal ng panahon kong inililihim ang birthday ko, narealize ko rin na malungkot din pala kapag walang nakakaala sa’yo tuwing kaarawan mo. Yun na. Nakagat ko na ang sarili kong buntot. Ayokong sabihin sa iba kung kelan yung birthday ko pero nalulungkot din ako na walang nakaka-alala nito. Epic diba? “Gusto mo pasayahin yung sarili mo dahil birthday mo pero mahirap maging masaya ng mag-isa.” Kaya ito, kaya sinulat ko na lang sa blog ko para masabi ko na once and for all. Iniisip na sana kahit papano ay may taong makakabasa nito at makikibahagi sa pagdiriwang ko.

May dahilan kung bakit nakaturn-off yung birthday notifcation ko sa facebook. Ayoko ko kasi nang artificial na greeting. Kasi aminin man natin o hindi, naaalala na lang natin ngayon yung birthday ng isang tao dahil ipina-aalala palagi satin ito ni Facebook. Natatakot ako na di ko na makilala pa kung sino talaga yung mga taong nagpapahalaga sa birthday ko, na baka ang dahilan lang kung bakit bumati ka sa wall ko ay dahil sa hindi nawala-wala sa notification mo yung “Today is [insert someone’s name here]’s birthday, help him celebrating it” hangga’t hindi ka nagpopost sa wall ko. Nakakatuwa na may ba bati sayo sa facebook na di mo naman talaga ka close sa totoong buhay pero nagpopost sa wall mo sa parehong araw kada taon, pero para sakin, mas matutuwa ako kung yung mga taong pinapapahalagan ko ay maalala ako. Masaya na ko dun. Kasi yun naman talaga ang purpose nang birthday celebration: ang ipagdiwang ang panibagong taon sa buhay mo kasama ang mga taong mahal mo.

Dedication: Akira’s, my Never Give Up Idiots Capstone Group. Because birthdays are best celebrated with your family. 😉 

Historical Source: 

 

Advertisements